Ultimo Adios
Ang tulang binihag ang damdamin ng karamihan. Ang tulang nagging sagisag ng ating bansa.
“Ultimo Adios” o sa iba ay “Ang Huling Paalam” isunulat ng ating magiting na bayani na si Dr. Jose Rizal. Isa itong tula na nabihag ang nakakarami dahil ginamit ito ng ibat iba bansa tulad ng bansang Indonesia para sa kanilang kalayaan at inisalin rin ito sa ibat ibang wika.
Walang may alam kung kailan isinulat ni Dr. Jose Rizal ang tulang ito bagamat nakuha ito ng kaniyang kapatid na si Trinidad sa kusinilyang de alcohol na bigay ng kanyang kapatid sa huling dalaw nila rito. Sa huling dalaw nila kay Dr. Jose Rizal, pinamigay nito ang kaniyang mga gamit sa kaniyang pamilya at mga kamag-anak. Kasama rito ang nakatagong tula sa kusinilyang de alcohol. Pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang kapatid na si Dr. Jose Rizal, naalala ni Trining ang sabi ng kanyang kuya sa wika ng ingles “There something inside” bago ito ibigay sakaniya. Dahil don, kasama ang kapatid na si Maria sinuri nila ang kusinilyang de alcohol at sa huli nailabas nila ang tula gamit ng ipit. Sinuri nila ang tula at nalaman na wala itong pamagat. Dahil rito, ang magkapatid ay hindi natiis ang naalam at sinabi sa kanilang pamilya at kamag-anak. Ang pamilya, kamag-anak at kaibigan ni Dr. Jose Rizal ay sinumulan ang pagkopya rito at doon nagsimula kung bakit hanggang sa araw na ito ay may kopya tayo ng tula ni Dr. Jose Rizal.
“Sa unang bahagi ng tula, nagbigay pugay siya sa mayamang kalikasan ng bayan na nagbigay sa kanyang ng di maarok na tuwa at siya rin niyang pinag-alayan ng sariling buhay.
Kinilala rin niya ang iba pang mga mamamayang nag-alay ng kanilang mga buhay para sa ikabubuti ng kalagayan ng bayan. Binabanggit ang mga imahen ng bitay, pakikibaka, pagbubuhos ng dugo kapalit ng pagsilay ng hiyas na marikit sa silangan.
Mababanaag din ang madamdaming paghahabilin sa mga maiiwan, ang pagkilala sa mga sandali ng pag-alala at pagkalimot sa hinaharap, malamyos na habilin ng pagkilala sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak at dasal. Mariin din ang pakilala sa asawang mula sa ibang lupain at ang maluwat na pagtanggap sa kamatayan bilag ganap na katahimikan”. Villanueva, A (November 5, 2016) Mga dahilan kung bakit sinulat ni rizal ang Mi Ultimo Adios.
Ang sabi ko nga sa pinaka-una, ang tulang “Ultimo Adios” ay binihag ang damdamin ng karamihan dahil mararamdaman mo ang taglay na pagmamahal ni Dr. Jose Rizal sa bayan at sa kababayan. Na kahit sa huli makikita at makikita niya ang kagandahan at kabutihan ng Pilipinas. Binanggit rin ni Dr. Jose Rizal kung paano sinakripisyo ng iba ang kanilang buhay para sa bayan, at alam naman nating lahat na ganoon rin ang kaniyang ginawa.
Nagpaalam rin ang bayani sa mga kaniyang asawa na hindi taga ibang lupain, ang kaniyang pinakamamahal na pamilya, ang kaniyang mga kaibigan at sa bayan. Binanggit niya rin kung maalala man siya ng kaniyang minamahal sa buhay, mag alay sila ng bulaklak at magdasal. Pinapakita rito na kahit ang mga kalaban ni Dr. Jose Rizal ay taga simbahan, hindi maalis sa kaniya ang tiwala sa Diyos at ang pagmamahal. At sa huli, binanggit rin ni Dr. Jose Rizal na dapat matanggap na ng kaniyang mahal na asawa ang kaniyang kamatayan para sa kaniyang katahimikan.